Ang KASAPI ay nabuo noong ika-18 ng Hulyo ng taong ito na nagsimula lang sa isang biruan ng isang mangmang sa Photoediting na humihingi ng tulong mula sa isang may angking galing at husay sa Photoshop.
Una'y binigyang kahulugan na: Kapisanan ng mga Adik Sa Adobe Photoshop Incorporated. Ngunit agad binawi sa International dahil ang grupong ito ay hindi nangangalakal ng kung anuman mula sa mga miembro nito. "International" pagkat ang Arena ng Grupo ay pandaigdigan. Sa isang kisap mata'y naitatag ang (K)apisanan ng mga(A)dik (S)a (A)dobe (P)hotoshop (I)nternational sa araw ding yaon.
Ang layunin ng Grupong ito ay makatulong sa ating mga kapwa lalo na sa mga NEWBIES, na nagnanais matuto sa Photoediting partikular na sa Adobe Photoshop, mapa-Photoshop 7, CS2, CS3, or CS4 at bukod sa Photoediting, ay nagbibigay assistance rin sa Webpage design, CSS, HTML at mga katulad nito. At para naman sa may kaalaman na sa mga ganitong larangan, ay upang lalo pa nilang mapahusay at maibahagi rin naman ang kanilang talento sa kapwa miembro. Layunin rin ng Grupong ito na mapanatili at magkaroon ng bonding at lalong mapalapit ang mga magkakapatid at mga miembro sa isa't-isa.
Ang Grupong ito ay lugar na maaring maipakita ang mga saloobin at mga pangarap ng mga miembro sa pamamagitan ng kanilang mga orihinal na mga gawa sa Photoediting. Dito maaring iguhit, at ililok ang mga nais ipahatid sa madla na hindi mailetra.
Nais ring maipatupad ng Grupong ito ang maipahayag ang pagkilala sa may Lumalang. Ang angking talino at kahusayang ipinagkaloob sa atin ay walang kabuluhan kung hindi natin matututong ibahagi ang mga ito sa mga nangangailangan at kilalanin ang nagbigay nito sa atin. Isang mabuting bagay ang gamitin ang lahat ng mabuting pagkakataon na makagawa ng kabutihan sa kapwa, dahil dito lang nagkakaroon ng halaga ang walang kabuluhan nating katayuan sa harap ng ating Maylalang.

http://tinyurl.com/l5t9jw
No comments:
Post a Comment